Lunes, Pebrero 11, 2013

' Ang Aking Talento '

Ako ay mahilig gumawa ng kanta na may iba't-ibang paksa / tema.Ang aking ginawang kanta ay para sa mga matalik kong kaibigan.Ang pamagat nito ay " Matibay na samahan ".Kahit kami ay may iba't-ibang problema na kinakaharap patuloy parin namin itong kinakalimutan sa pamamagitan ng paggawa ng kanta o rap.Marami narin akong nagawang kanta o rap.Ito ay tungkol sa kaibigan,karelasyon at marami pang iba na tinatawag na underground music.Sana naman magustuhan ng mga makakarinig at sana naman nagustuhan rin ng mga nakarinig na ng kanta ko.Salamat sa lahat ng sumuporta sa Greenthumbvillain.Sa lahat ng hindi pa napapakinggan ang aking kanta search sa youtube " matibay na samahan " by Greenthumbvillain.Maraming salamat din sa Outbeat Records na pinagrerecordan namin.Gustong-gusto ko gumawa ng rap dahil ito ang nagpapasaya sa akin.Kapag ako ay may problema nakakalimutan ko dahil sa paggawa ng kanta o rap.

' Ang Aking Mga Kaibigan '

Ang aking mga kaibigan/katropa ay para ko na silang kapatid.Kapag kami ay nagsasama-sama lahat kami ay tuwang-tuwa.Kaming lahat ay walang damutan.Kapag may problema ang isa,problema na ng lahat.Kapag malungkot lahat nagdadamayan.Minsan sa isang taon ay may outing kaming ginaganap para sa ikasasaya ng bawat isa.Kapag mahal na araw naman lahat kami ay nagaalay-lakad.Nakakapagod pero masaya lalo na kapag kumpleto kaming lahat.kapag may kaarawan ang isa sa aming magkakaibigan/magkakatropang may kaarawan nireregaluhan namin.Lahat kaming magkakaibigan/magkakatropa ay nagsasama-sama sa hirap at sarap ng pamumuhay.  

' Ang Aking Mga Hilig '

Ang aking hilig ay ang maglaro ng basketball.Dahil ito ang nagpapasaya sa akin sa pang araw-araw na gawain.Kapag sabado at linggo kami ay dumadayo sa iba't-ibang lugar.Minsan talo pero mas lamang ang panalo dahil kami ay laging naglalaro at nagsasanay ng basketball.Ako rin ay nag "inter-barangay" ng south cembo.Kami naman ay lumalaban sa iba't-ibang barangay ng makati ay naglalaban-laban sa basketball yan ang tinatawag na "inter-barangay".Minsan din ay may dumadayo sa aming lugar kaya ang mga dayo ay kami ang lumalaban.Kapag summer ang barangay ng south cembo ay may paliga ng barangay ng south cembo ay "inter-color".Minsan naman ay may paliga ding ang bawat zone sa south cembo ang naglalaban-laban ang tawag naman sa paliga ng bawat zone ay ang "inter-zone".Nung nakaraang taon ay champion kami sa "inter-color" at ang prize namin ay 1,500.Lahat kami ay kumain sa chickboy sa tulay.

' Ang Aking Mga Tungkulin '

Ang aking mga tungkulin ay mag-aral ng mabuti para ako ay makatulong sa aking mga magulang.Dapat ako ay may regular na trabaho para hindi na ako maghahanap-hanap ng trabaho.Lalo na ngayon mahirap makahanap ng trabaho kapag wla kang pinag-aralan.Dapat ko ring tulungan ang lahat ng nangangailangan.Dapat marunong rin akong dumisiplina sa aking sarili sa pagtatapon ng basura kung saan-saan.Dahil marami na ang nasisirang likas na yaman dahil sa mga basura.Tungkulin ko din sumunod sa aking mga magulang.Dahil ito ang makakabuti sa aking pagkatao.Dapat ring gumalang sa nakakatanda lalo na sa mga guro,sundalo,pulis at marami pang ibang nagtatrabaho sa ating pamahalaan.Kahit nagtatrabaho o di nagtatrabaho ay dapat paring igalang kasi sila ang nakakatanda sa akin.

Sabado, Pebrero 9, 2013

' Ang Aming Pamilya '

Ang aking tatay ay si Stephen E. Benitez Sr. at ang aking nanay naman ay si Divina E. Benitez. Kami ay tatlong magkakapatid.Ang aming panganay ay si Johnphol E. Benitez at ako naman ang sumunod.Si Jenifer E. Benitez naman ang aming bunso.Kami ay namumuhay ng masaya at may pagkakaisa sa 3068 Gen.Aguinaldo St. South Cembo Makati City.Ang aming pamilya ay masayang-masaya dahil walang talunan o may di pagkakaunawaan sa isa't-isa.Kahit kami ay may problema palagi parin kaming masaya sa isa't-isa at kami ay may pagtutulungan sa isa't-isa.Ang bawat kasapi ng aming pamilya ay may dapat sundin sa loob ng tahanan.Ito ay tinatawag na tungkulin ng bawat isa.Kapag miyerkules ang aming panganay ang naglalaba kapag sabado naman ay ako ang naglalaba ng aming mga damit.Ang aming bunso naman ay naghuhugas ng plato.Ganyan ang aming pamilya na dapat ipagmalaki ng aming mga kamag-anak.Ganyan ang pamilyang Benitez.

Martes, Pebrero 5, 2013

' Ang Aking Pagaaral '

Ang aking pagaaral ay aking pinagbubuti dahil gusto kong maging sundalo para matulungan ko ang aking mga magulang lalo na ang aking mga kapatid.Marami akong pangarap na gusto kong matupad dahil para maipagmalaki ako ng aking mga magulang sa aming mga kamag-anak.Maraming-maraming salamat sa mga guro ko na itinuring kong pangalawang magulang.Dahil kayo ang nagturo sa akin na maging responsable sa aking buhay at maging matiyaga upang maabot ko ang aking minimithing pangarap.Ang sarap magaral sa Pitogo High School marami ang biyaya ng pamahalaan katulad ng libreng aklat , libreng damit , libreng ballpen at marami pang iba.Ang ganda ng naranasan ko sa aking pagaaral ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para makatapos na ako sa aking pagaaral.